Tuesday, June 16, 2009

Sampalok, Saresa, Bayabas, Mangga, Atbpa.


Marami kaming mga halaman na nakapaligid sa bahay namin noon.

Hanggang ngayon, karamihan sa mga punong mangga ay buhay pa. Kaya lang wala na yung malaking-malaking puno ng sampalok na nagsisilbing lilim sa aming poso. Kasi,
 tinigbak ang puno ng sampalok dahil extend ng extend ang bahay namin, kahit noong luma pa.

Noong bata ako, nakikipagpayabangan pa ako sa paramihan ng puno. (Mayabang nga e! Paramihan ng puno!) Kung hindi ako nagkakamali, noon ay mayroon kaming siyam na puno ng mangga nanakapaikot sa bahay. Mayroon ding saresa o aratiles, sa gawing harap at likod, na paborito kong akyatin. Pag gising, wala pang almusal, akyat agad!  Aba, mahirap ng maunahan sa mga hinog, katamis yata ng mga 'yun. Matikas din ang kapatid ko sa pagpanhik sa puno e! Sa totoo lang, kahit maliit ang mga bunga ng saresa ay halos kabisado ko na ang sunod sunod na mahihinog! hehehe! 

'
'Yung puno ng sampalok sa likod-bahay, natatandaan ko, maraming gagamba. Kaya kung maghahanap kami ng gagamba, e aakyat kami ng puno. Kaso, madalas ay may higad. Buti na lang may kakampi kami ni Sonny sa paghanap ng gagamba. Ako, si Dong ang taga-akyat, kay Sonny e si Kata. Mga kabataan na mas may idad sa amin, pero  kaibigan siguro ng pamilya at madalas tumambay. So, naging impluwensya sa pangangangamba. May isang halamang-baging na kumapit sa puno ng sampalok namin. Ang  tawag ay orange. Masarap ito kung hinog, maasim kung hilaw. Kamalay-malay ko bang mahal pala at exotic fruit ito? 
Passion fruit na ngayon ang tawag ko dun, sosyal na! Hahaha!

Tapos, meron kaming balimbing sa gawing kanan ng bahay. Yung balimbing, pinagkakitaan ko dahil bihira sa aming probinsya. Nagdadala ako sa skul, tapos binebenta sa mga kaklase. Pwedeng dyes o 10 cents, o singko or 5 cents. Ganun din naman pag panahon ng mangga, kaya mayroon akong ekstrang baon. Tyagaan na lang sa pamimitas at pagbitbit sa paglakad na may isa't kalahating kilomentro din patungong paaralan.

Sa tabi ng aming balimbing ay may puno ng minerva. hindi kalakihan ang puno na galing ng Zambales. Mistula itong maliit na santol na napakatamis pag nahinog. Sa tuwing may
 payabangan kami, panalo ako sa minerva. Aba, walang meron nun sa aming probinsya... kami lang! Kasunod nito ang punong kamyas. Na may kayabangan dahil hitik kung mamunga. Kamyasan na rin ng bayan dahil maraming kapitbahay ang nanghihingi nito.

Si Tatay ang mahilig magtanim sa amin. Siguro, medyo naman rin namin ng konti at karamihan sa amin ay mahilig magtanim o mahilig sa halaman. Sabi nga nila nung ipinanganak ako, si Tatay ay nasa likod bahay at pumipitas ng mga bungang sitaw. I myself have inclination towards agriculture. And I like taking photos of flowers and plants. Ang ibang mga kapatid ko naman ay mga namumulaklak na halaman ang mga itinatanim.

Maliban sa mga punong-kahoy na aming napapakinabangan, marami ding ibang tanim na maraming benefits sa amin. Gaya ng kawayan, ang bakod namin noon na nakatanim na kamoteng-kahoy at ang mga tanim na kamoteng baging sa paligid. Pag tag-ulan, kusang tu
mutubo ang mga saluyot. Kung saan din sila tumubo last year. kasi andun lang din ang mga buto na natuyo. Doon yun sa gawing sulok sa gawing puno ng atsuwete at ng punong bayog.

Sa mura kong isipan ay naaalala ko ang aming kamatsile, na sikat dahil sa tamis ng bunga. Kadami nga lang tinik at kahirap sumungkit, pero sulit naman. Lalo na kung mapulang mapula na ang bunga. 'Yung kanal namin, na malapit sa kamatsile ay hindi rin nakaligtas. Mayroon ditong nakatanim na gabi. Imagine, pag hindi nakaligtas ang sinungkit  mong kamatsile, sa kanal ang lagpak! Hayyyy, sayang! Matapos mangawit ang leeg kakatingala at ang kili-kili kasusungkit!

Sa aming bahay noon, sa probinsya, ay parang kahawig na rin ng awitin na bahay-kubo. Isang bahay na napapaligiran ng iba't ibang tanim. Simple, payak, malamig dahil sa mga punong nakapaligid. At masaya.

Saturday, June 6, 2009

Aming Telebisyon (Our Television)

Before the 1980's we did not have our own television set. On orde for us to watch the soaps, movies or tv shows, we have to go to ourmu Godparents house who happens be one among the firsts to own the tv on our barrio. Mas madalas doon kami nakkipanood dahil sa balcony kami... loob ng bahay while the rest of the townsfolk are jyst outside the door or peeking through the windows.


Buti na lang, bumili sina tatay ng TV. Syempre tandang tanda ko pa amg sobrang eksayted ko at palundag lundag.


Natatandaan ko na brown (parang barnisado) na yari sa kahoy ang kaha ng tv. Parang national yata ang tatak. Op kors black n white ito.


Habang ikinakabit nga ang antena - yari sa mahabang tubo at may antenang tanso (element yata ang tawag doon) na ilalagay sa taas- ay halos hindi na ako makapaghintay. Yung antena ang mahirap o matagal ikinabit. Kasi, maraming ikinabit na alambre para hindi mabuway ang tubo. Importante kasi na may antena dahil malayo kami sa manila kung saan naroon ang mga istasyon ng telebisyon at ... noon ay walang 'cable' or satelite.. baka hindi pa pinapangarap yun...


Naging adik ako sa mga cartoons. "Kengkoy na naman ang pinapanood mong bata ka?" ;Yan ang madalas na sabihin sa akin.. Ang cartoons, kengkoy ang tawag ng matatanda noon. Voltes V, Baltac, merzinger Z at ang peborit ko talagang superfriends. Isang malaking impluwessya sa maaga kong pagkatutong bumasa lalo na sa ingles ang sesame street.


Habang ang matatanda ay nakapagkit naman sa telebsiyon pagsapit ng alas sais yata yun.. Kasi balita na... saka Flor de luna... Kasikatan pa ni Janice de belen.


Tapos.. pag me patalastas o announcement ng mga palabas para sa gabing iyon.. binabasa ko.. sabi ko ano ba ito" tonighit? hehehe! tonayt pala ang basa ng tonight.. Ooops.. hindi pa yata ako grade 1 nyan.. pasintabi lang... 


At me laro pa kami! Unahan sa pagsabi kung ano ang patalastas! Pitik bulag ang matalo! Simple ang rule: Sabihin agad kug anong product ang advertised habang nag uumpisa ang patalastas. Hayun, pati sa commercials me libangan..


Noon, nasa salas din ang tv namin. kaso, elevated ang sala namin. At iilang lang naman ang seating capacity. So , ang mga nakikinood, pag medyo close sa family.. sa balcony. Pag medyo hindi, hayun at nakatuntong sa bangko, masilip lamang ang palabas. Maayos din dahil mabenta naman ang tsitsirya sa tindahan ni nanay.


Malaki ang naging impluwensya ng telebision sa pamilyang pinoy. Noon, dahil iisa ang tv, dapat ay matutong magbigayan kung ano ang papanooring ng buong pamilya. Kung kailangn ilipat ang channel o i adjust ang volume, me isang uutusan upang tumayo. Kasi nga... wala pa pong remote control. Baka hindi pa naiimagine yun noon.