Sunday, May 24, 2009

Ang Telebisyon (The Television)


"Nay, manonood daw kami mamaya ha? Me magandang pelikula si FPJ e. Gusto daw nila Jojo manood." That was how my elder sister asked permission from my mother or father to watch a movie on television when I was around four or  five years old. Nope, our lot will not watch it at home. Kasi, makikinood lamang kami sa aking Ninang (Godmother), o kina Santos o kina Pascual.

Yung mga may TV noon ay iilan-ilang pa lamang sa Pilipinas. Sa aming baryo, siguro ay nasa 10 percent lamang ang may TV. Black and white syempre.. Pero meron ding kulay off white, grey at medium grey!

"O, pandungan nyo ang kapatid nyo, baka mahamugan!" O, di ba? hayan ang habilin ni Nanay bago 
kami lumakad para makinood. 

Bago kumagat ng husto ang dilim, matapos ang hapunan ay heksayted na lalakad na kaming magkakapatid. Buti na lang malapit lang din ang panooran. Mga ilang bahay lang ang pagitan namin sa mga me ari ng TV. Sa Godparents ko kina Pangramuyen madalas kami makipanood. Me daan kami salikod ng bahay, pero makikidaan ka muna kina sa bakuran nila Ate Laleng at Kuya Boy. 

Syempre, para payagan ang mga matatandang sisters, isasangkalan ang mga bunsong kapatid. At syempre ulit, Ninang ko ang may ari ng TV, nasa loob kami ng bahay (sa sala) at nakasalampak sa sahig. Hindi katulad ng iba naming kababaryo, sa labas lamang nakatanaw, na minsan ay may dala-dalang kanya-kanyang upuan (kahoy pa noon, mabigat... wala pang monoblock o plastic chairs!). 

Ako, madalas hindi ko naman matandaan at wala pa akong muwang sa mga palabas. Malay ko ba, basta ako lang ang pases. 

Sa isang pagkakataon na hinding-hindi ko malilimutan, ay naipit ang ulo ko sa pagitan ng dalawang kahoy sa hagdanan nila Ninang Kareng. Syempre, naglalaro lang ako  lagi habang nanonood ang karamihan. Hayun, isinuot ko ang ulo ko sa pagitan ng stair handles, at hindi ko na mailabas! Ano pa nga ang gagawin ko? E di pumalahaw ng iyak! At binulabog ko ang palabas.

If we watched a horror film, that poses another problem going home. Masidhing takutan ang nangyayari. me kasama pang takbuhan. At op kors, me iyakan pag sumobrang takutan or me naiwan dahil mabagal tumakbo. Kasi, bihira pa rin ang ilaw sa poste, kaya madilim ang daan. Swerte na kung me dalang flashlight.

Bago matulog, pag kukuwentuhan pa rin ang palabas. Syempre, balik sa kuwarto... Sa sahig kami matutulog. Sa gawing kanan si Suse, tapos si Sonny tapos ako, tapos si Jule. Hayun, matutulog na sa sahig na kawayan habang pinagkukuwentuhan ang black and white na pelikula.

Matapos ang ilang taong pakikipanood sa ibang bahay, bago sumapit ang 1980's ay nagkaroon na rin kami ng sarili naming telebisyon. National yata ang tatak na kahoy ang kaha. Ang sarili naming telebisyon ay may sarili ring kwento...

Monday, May 18, 2009

Earliest Childhood Memory

ECM.... Hmmmm... If I'm gonna ask anyone this question: "What is your earliest childhood memory?" Ano at anong idad kaya yun? 

I have some blurred memories of the past. I am not even sure which one is the earliest. Marami akong na aalala.

But I'm gonna discuss what I thought are earliest among the experiences that I remember. 

For one, I remember na gustong gusto ko na sumubsob sa tyan ng nanay ko. Buntis sya noon sa bunso kong kapatid. I can even remember the scent... pinaghalong ewan ng pawis, amoy ng usok ng siga, at yosi. Saka me bulsa ang duster e andun ang yosi. Kasi, yosi girl si Nanay. Now, since I can remember that she was preggy, then I was about four  years old noon.

Teka, I also remember when my maternal grandmother, Apong Dikang passed away. Karga ako ng isa kong ate, malamang si Julie, tapos, I lost one (?) or both of my slippers papunta sa cemetery. Kaya karga ako kasi wala nga akong tsinelas. Hmmmm, may feeding bottle pa yata ako nun ah? Hehehe! Well, then, this is the earliest that I can recall. I am probably 3, but not so sure. What I also remember is the scene on my grandma's deathbed. . . na wala lang sa akin. Andun ako pero wala lang. Hindi ko pa alam ang pakiramdam ng loss of a loved one noon, syempre.

Related to the first story, I also remember my eldest sister giving birth to a stillborn son. Caesarian section sa PJG. So bale, pamangkin ko na yun. Mga 4 or 5 pa rin ako. This time, hindi malabo ang memory. Malinaw lahat.

Also related sa first story is... the cerelac. Meaning, may bunso na sa bahay. I really luvvv papakin ang cerelac. Pag walang nakatingin, kinukutsara ko ang cerelac ni bunso! Hehehe! 

Tapos, yung iba e medyo malinaw linaw na sa memory ko talaga. Ibig sabihin 6 and above na siguro ako.

(Like: Yung butas sa dingding, pagitan ng dalawang kuwarto, yung altar may butas sa ilalim - doon ako umiihi...Yung sahig na kawayan kung saan kami natutulog.  Lagi akong madaming tanong bago matulog, natuturete ang mga kapatid ko... Ang pagtitimba sa poso... Ang labada... Ang sampalok sa likod bahay na me baging ng orange! Panganganak ng alagang baboy... Ang pakikipanood sa TV ng ninang ko... Ang pagkakaroon namin ng TV... Ang alkansya namin sa bahay na parang libro ang porma. Funny komiks at ang pag aaral kong magbasa. Ahhhh, maraming marami pang iba... na magiging laman ng blog na ito.)

Ang Simula . . .My Family

On the eleventh day of December, in the year nineteen hundred and . . . 

That was how my father taught me how to start writing an autobiography.

Medyo masidhi sa pag ingles si Tatay kaya dinudugo na agad ang ilong nga aking mga guro sa elementarya. Sa theme writing syempre, nagpapaturo ako at hindi pa naman ako kagalingan sa pag ingles noon.

Come to think of it, this promdi-past blog is somehow similar to an autobiography. So, I guess it is a must for me to give a backgrounder of what kind of family I have.

Basically, I am using this tool so I won't forget the past... And that I will be able to share these memories to my children... the succeeding generation of my family, and whoever is interested.

It is important to note that, last year when my father passed away, we discovered an autobiography amongst his files. Kagaleng! At least he foresaw before his death that we will need some facts of his life ... especially during the eulogy. 

I am the sixth among eight siblings. Limang sunod-sunod na mga babae muna ang naging anak ni Crisostomo (b. 1930) at ni Virginia (b. 1935). Matapos ang halos walong taon na paghihintay na may halong hirap at sarap (of course), saka pa lamang ako lumitaw sa mundong ibabaw, ang panganay na lalaki. Aba, hindi pa yata ako nakakadilat, lumabas na agad ang isa pang lalaking kapatid.. at humirit pa ang parents ko ng isa - babae na ulit. Kaya dalawa lamang kaming lalaki sa walong magkakapatid.

Si Tatay ay mula sa Botolan, Zambales anak nina Gerardo Correa Daos at ni Felizarda Datugan Laforteza. Si Nanay naman ay mula sa Guagua, Pampanga, anak nina Martin Dizon Lapira at ni Enrica Suarez David.. 'Yung Suarez at Dizon still has to be verified! Pareho silang Aglipayan, si Tatay e nag sakristan pa doon sa Paco.

Malaki ang aming pamilya. Masasabi kong kapos noong una dahil nga humihinto pa sa kolehiyo ang isa sa nakatatanda kong kapatid bago makapag aral ang isa. 

Matindi ang pagpapahalaga ng pamilya namin sa edukasyon. At syempre, pati na rin sa paggalang at pag respeto. Hindi man kami gumagamit ng 'ate' at 'kuya' sa isa't isang magkakapatid, maipagmamalaki kong naging susi ito upang kami'y maging parang magkakaibigan lamang - na may paggalang sa nakatatanda.

Lumaki ako sa bahay na sawali. Dalawang palapag, may maliit na tindahan sa ibaba. May kulungan ng manok sa silong. Ewan, baka meron pang baboy yun dati. 

Noong nasa elementarya pa ako, nagkaroon kami ng "Model Family Award" na iginawad ng alkalde  sa harapan ng buong baranggay. Sa mga sumunod na taon, nawala ang award na ito at binuhay lamang noong 2005. When the community revived the model family awarding program... Guess who won amongst five carefully selected families. Yes, it was our family, again.

So, tama lamang na ang mga maliliit na bagay sa buhay-buhay namin na natatandaan ko pa ay dapat lamang na hindi malimutan. Dapat lamang na maipamahagi.

At dito nga nagsimula at magsisimula ang lahat.

Sunday, May 17, 2009

Ang Larawan

Ang larawan na makikita sa blog na ito, kung saan naroon ang pamagat na Promdi-Past, ay kuha sa Nueva Ecija.

Ang may akda ng Promdi Past ay ipinanganak, lumaki at nagkapamilya sa probinysang ito. 
Ito ay parte ng kanyang nakaraan... ng kanyang pagkatao... pati na rin ng kanyang kinabukasan.

Maraming nakaraan ang naiguhit at umikot sa probinsyang ito.

Dito nagsimula ang buhay ng promding pinoy.

Mapapansing ang palay ay kasalukuyang umuusbong sa larawan. Sana'y magsimbulo rin ito ng pag-usbong ng kasaganaan ng lalawigan at ng mga taong bumubuo nito.