That was how my father taught me how to start writing an autobiography.
Medyo masidhi sa pag ingles si Tatay kaya dinudugo na agad ang ilong nga aking mga guro sa elementarya. Sa theme writing syempre, nagpapaturo ako at hindi pa naman ako kagalingan sa pag ingles noon.
Come to think of it, this promdi-past blog is somehow similar to an autobiography. So, I guess it is a must for me to give a backgrounder of what kind of family I have.
Basically, I am using this tool so I won't forget the past... And that I will be able to share these memories to my children... the succeeding generation of my family, and whoever is interested.
It is important to note that, last year when my father passed away, we discovered an autobiography amongst his files. Kagaleng! At least he foresaw before his death that we will need some facts of his life ... especially during the eulogy.
I am the sixth among eight siblings. Limang sunod-sunod na mga babae muna ang naging anak ni Crisostomo (b. 1930) at ni Virginia (b. 1935). Matapos ang halos walong taon na paghihintay na may halong hirap at sarap (of course), saka pa lamang ako lumitaw sa mundong ibabaw, ang panganay na lalaki. Aba, hindi pa yata ako nakakadilat, lumabas na agad ang isa pang lalaking kapatid.. at humirit pa ang parents ko ng isa - babae na ulit. Kaya dalawa lamang kaming lalaki sa walong magkakapatid.
Si Tatay ay mula sa Botolan, Zambales anak nina Gerardo Correa Daos at ni Felizarda Datugan Laforteza. Si Nanay naman ay mula sa Guagua, Pampanga, anak nina Martin Dizon Lapira at ni Enrica Suarez David.. 'Yung Suarez at Dizon still has to be verified! Pareho silang Aglipayan, si Tatay e nag sakristan pa doon sa Paco.
Malaki ang aming pamilya. Masasabi kong kapos noong una dahil nga humihinto pa sa kolehiyo ang isa sa nakatatanda kong kapatid bago makapag aral ang isa.
Matindi ang pagpapahalaga ng pamilya namin sa edukasyon. At syempre, pati na rin sa paggalang at pag respeto. Hindi man kami gumagamit ng 'ate' at 'kuya' sa isa't isang magkakapatid, maipagmamalaki kong naging susi ito upang kami'y maging parang magkakaibigan lamang - na may paggalang sa nakatatanda.
Lumaki ako sa bahay na sawali. Dalawang palapag, may maliit na tindahan sa ibaba. May kulungan ng manok sa silong. Ewan, baka meron pang baboy yun dati.
Noong nasa elementarya pa ako, nagkaroon kami ng "Model Family Award" na iginawad ng alkalde sa harapan ng buong baranggay. Sa mga sumunod na taon, nawala ang award na ito at binuhay lamang noong 2005. When the community revived the model family awarding program... Guess who won amongst five carefully selected families. Yes, it was our family, again.
So, tama lamang na ang mga maliliit na bagay sa buhay-buhay namin na natatandaan ko pa ay dapat lamang na hindi malimutan. Dapat lamang na maipamahagi.
At dito nga nagsimula at magsisimula ang lahat.
No comments:
Post a Comment