Sunday, May 24, 2009

Ang Telebisyon (The Television)


"Nay, manonood daw kami mamaya ha? Me magandang pelikula si FPJ e. Gusto daw nila Jojo manood." That was how my elder sister asked permission from my mother or father to watch a movie on television when I was around four or  five years old. Nope, our lot will not watch it at home. Kasi, makikinood lamang kami sa aking Ninang (Godmother), o kina Santos o kina Pascual.

Yung mga may TV noon ay iilan-ilang pa lamang sa Pilipinas. Sa aming baryo, siguro ay nasa 10 percent lamang ang may TV. Black and white syempre.. Pero meron ding kulay off white, grey at medium grey!

"O, pandungan nyo ang kapatid nyo, baka mahamugan!" O, di ba? hayan ang habilin ni Nanay bago 
kami lumakad para makinood. 

Bago kumagat ng husto ang dilim, matapos ang hapunan ay heksayted na lalakad na kaming magkakapatid. Buti na lang malapit lang din ang panooran. Mga ilang bahay lang ang pagitan namin sa mga me ari ng TV. Sa Godparents ko kina Pangramuyen madalas kami makipanood. Me daan kami salikod ng bahay, pero makikidaan ka muna kina sa bakuran nila Ate Laleng at Kuya Boy. 

Syempre, para payagan ang mga matatandang sisters, isasangkalan ang mga bunsong kapatid. At syempre ulit, Ninang ko ang may ari ng TV, nasa loob kami ng bahay (sa sala) at nakasalampak sa sahig. Hindi katulad ng iba naming kababaryo, sa labas lamang nakatanaw, na minsan ay may dala-dalang kanya-kanyang upuan (kahoy pa noon, mabigat... wala pang monoblock o plastic chairs!). 

Ako, madalas hindi ko naman matandaan at wala pa akong muwang sa mga palabas. Malay ko ba, basta ako lang ang pases. 

Sa isang pagkakataon na hinding-hindi ko malilimutan, ay naipit ang ulo ko sa pagitan ng dalawang kahoy sa hagdanan nila Ninang Kareng. Syempre, naglalaro lang ako  lagi habang nanonood ang karamihan. Hayun, isinuot ko ang ulo ko sa pagitan ng stair handles, at hindi ko na mailabas! Ano pa nga ang gagawin ko? E di pumalahaw ng iyak! At binulabog ko ang palabas.

If we watched a horror film, that poses another problem going home. Masidhing takutan ang nangyayari. me kasama pang takbuhan. At op kors, me iyakan pag sumobrang takutan or me naiwan dahil mabagal tumakbo. Kasi, bihira pa rin ang ilaw sa poste, kaya madilim ang daan. Swerte na kung me dalang flashlight.

Bago matulog, pag kukuwentuhan pa rin ang palabas. Syempre, balik sa kuwarto... Sa sahig kami matutulog. Sa gawing kanan si Suse, tapos si Sonny tapos ako, tapos si Jule. Hayun, matutulog na sa sahig na kawayan habang pinagkukuwentuhan ang black and white na pelikula.

Matapos ang ilang taong pakikipanood sa ibang bahay, bago sumapit ang 1980's ay nagkaroon na rin kami ng sarili naming telebisyon. National yata ang tatak na kahoy ang kaha. Ang sarili naming telebisyon ay may sarili ring kwento...

No comments:

Post a Comment