I have some blurred memories of the past. I am not even sure which one is the earliest. Marami akong na aalala.
But I'm gonna discuss what I thought are earliest among the experiences that I remember.
For one, I remember na gustong gusto ko na sumubsob sa tyan ng nanay ko. Buntis sya noon sa bunso kong kapatid. I can even remember the scent... pinaghalong ewan ng pawis, amoy ng usok ng siga, at yosi. Saka me bulsa ang duster e andun ang yosi. Kasi, yosi girl si Nanay. Now, since I can remember that she was preggy, then I was about four years old noon.
Teka, I also remember when my maternal grandmother, Apong Dikang passed away. Karga ako ng isa kong ate, malamang si Julie, tapos, I lost one (?) or both of my slippers papunta sa cemetery. Kaya karga ako kasi wala nga akong tsinelas. Hmmmm, may feeding bottle pa yata ako nun ah? Hehehe! Well, then, this is the earliest that I can recall. I am probably 3, but not so sure. What I also remember is the scene on my grandma's deathbed. . . na wala lang sa akin. Andun ako pero wala lang. Hindi ko pa alam ang pakiramdam ng loss of a loved one noon, syempre.
Related to the first story, I also remember my eldest sister giving birth to a stillborn son. Caesarian section sa PJG. So bale, pamangkin ko na yun. Mga 4 or 5 pa rin ako. This time, hindi malabo ang memory. Malinaw lahat.
Also related sa first story is... the cerelac. Meaning, may bunso na sa bahay. I really luvvv papakin ang cerelac. Pag walang nakatingin, kinukutsara ko ang cerelac ni bunso! Hehehe!
Tapos, yung iba e medyo malinaw linaw na sa memory ko talaga. Ibig sabihin 6 and above na siguro ako.
(Like: Yung butas sa dingding, pagitan ng dalawang kuwarto, yung altar may butas sa ilalim - doon ako umiihi...Yung sahig na kawayan kung saan kami natutulog. Lagi akong madaming tanong bago matulog, natuturete ang mga kapatid ko... Ang pagtitimba sa poso... Ang labada... Ang sampalok sa likod bahay na me baging ng orange! Panganganak ng alagang baboy... Ang pakikipanood sa TV ng ninang ko... Ang pagkakaroon namin ng TV... Ang alkansya namin sa bahay na parang libro ang porma. Funny komiks at ang pag aaral kong magbasa. Ahhhh, maraming marami pang iba... na magiging laman ng blog na ito.)
No comments:
Post a Comment